Wednesday, September 12, 2007

accident prone kuya

naiwan akong kasama si kuya jonell ngayon hapon. kinailangan kasing sunduin ng tatay ko ang bunso kong kapatid. nagkataon din may mga kailangan ayusin sa pajero, kaya iniwan na lamang ni tatay kay kuya ang gawain iyon.

nanatili akong nasa loob ng bahay at nag-ayos ng kakainin at sinimulan na ni kuya ang pagpapalit ng gulong ng van.

maya-maya, nakarinig ako ng malakas na ugong, na parang bumaksak ang van mula sa pagkakaangat nito. nang sumilip ako, tama nga ang pakiwari kong bumagsak ang kotse sa pagkakaangat nito gawa ng pagkadaplis ng jack. sa kasamaang palad, naipit ang mga daliri ng kanyang dalawang kamay.

"yung jack! ayusin mo yung jack!"

ahehe. sori ha. kahit may konti naman akong alam sa mga jack, di pa rin talaga ako marunong, bilang taon na rin ang nabibilang nung huli aong pahawakin ng ganyan. isa pa, yung diamond form na klase ng jack yung gamit nila. lalong hindi ko kilala yan.

"magtawag ka na. mapuputol na ata mga daliri ko e. "

syempre, takot ko na lang na may mangyari na namang kung ano kay kuya jonell. tumakbo ako sa may kanto, nangharang ng mga tricycle drivers. mabilis na tumakbo ang dalawang drivers papunta sa bahay namin at inangat ang pajero upang matanggal ni kuya ang kanyang mga daliri.

grabe na lang mag bonding moments namin ni kuya, nahihiwa ng kutsilyo, kukulangin ng dugo, bigla na lang nawawalabn ng malay, nauuntog. wala na lang akong masasabi. manhid na ata ako sa mga ganitong sitwasyon kaya kalmado na lang ako forever.

pero in fairness, buti na lang may mga tricycle drivers na mabilis na tumulong. hindi ko rin alam ang gagawin kung wala akong inabutan sa kanta nyan. alangan namang ako magbuhat ng pajero? gudlak na lang...

No comments:

Post a Comment