kung tutuusin, hindi naman talaga ako nagtataray sa mga ganitong interviews. ni hindi ko nga kayang panindigan ang ganoong klaseng pamamaraan. pero alam ko sa sarili ko na kung walang ibang gagawa, kung walang ibang maggigiit nang ganoong klaseng kahigpitan, ako na lang ang gagawa. kung sa bagay, dahil ko rin naman talaga kayang magsungit hanggang sa dulo, sa tingin ko kapani-paniwala naman akong hindi talaga ako ganon.
nakakabigla lang ang mga nangyari kagabi.
nung una pa lamang, medyo nagaalangan na kami nila weng sa mga aplikante ngayong semestre, dahil stand up sila. hindi naman sa ayaw ko sa kanila. naniniwala lang ako na kahit pareho sa prinsipyo ang dalawa, malaki pa rin ang pagkakaiba ng ujp at ng stand up lalo na kung paguusapan ang mga kaparaanan. kung papasok sila sa isang academic org, ano kayang magiging implikasyon nito?
pero sige, mahal ko ang stand up. hayaan na natin sila.
mula sa sampung aplikante, apat na lamang silang humarap sa amin para sa batch interview, at dalawa sa kanila ay stand up.
sa totoo lang, nakakatamad ang interview kagabi. tanungin mo ng preamble, hindi kabisado. tanungin mo ng constitution, ni hindi nabasa. tingnan mo ang sigsheet, kulang-kulang. tanungin mo ng prinsipyo at ideyolohiya ng org, beauty pageant answers ang binibigay. hello! aplikante kayo??? di nga???
natural lang na mainis kami di ba, pero sige, sigaw sigaw lang ng kaunti. wala namang personal na atake.
aba, pagkatapos ng lahat, nasabihan pa kami na ang mismong pagsigaw-sigaw namin sa kanila ay isa nang pagkilala san pyudal na sistema. ito ay balikwas sa aming laban sa pyudal na sistemang nananaig sa lipunan.
a, hello? mass org kami??? hindi di ba. wala naman kaming sinabing mass org kami e.
kung pyudal na sistema lang ang ating pag-uusapan, di ba sa umpisa pa lang, dapat wala nang application process dahil ito mismo ay nagpapatong ng kapangyarihan sa mga miyembro higit sa aplikante.
sori ha. academic org pa rin kasi kami, may political stands lang. hindi ibig sabihin no'n kelangan na namin bitawan ang mga natutunan namin sa peryodismo.
ayoko man sanang mainis sa pagmamahal ko na lang sa stand up, pero nakikita ko na lang ang sarili ko na lumalayo ang loob ko sa kanila.
honestly, if we can really find a way to do a real batch "interview", i guess we can do away with this "tarayan" shit (for me). because we try to be intellectuals, we can do an interview that will really grill them, put them under extreme heat and pressure so as to extract the best answer we can possibly get - sans the shouting match.
ReplyDeletewe can't remove politics - it's everywhere. but all this "feudalism" is already becoming passe. you exercise authority, you get branded for being fascist feudalist capitalist evil. but until such time when they can possibly devise a way to "filter" the applicants without politics, i say we can go in our own merry ways of selecting the applicants.
shet, nosebleed. *_*
im sorry friend. i'd rather see quality over quantity. di naman ako evil na tao. in fact first time ko nga lang magtaray. bakit? dahil they need to convince me na kaya nila at gusto nilang sumali sa org na ito. kung solo interview nga lang hindi na sila naghanda, grabe na lang na ulitin pa nila.
ReplyDeletepagbigyan mo na lang kasi ako mag-rant. wala namang personalan ito. ang bigat lang ng "pyudal" na argument. i dont like the accusation but i like them as individuals.
smile. ganyan talaga buhay. hehe
: )
di naman kita inaano sa pagrarant mo. at bakit masyado kang defensive :P
ReplyDeleteang akin lang, matindi ngang paratang ang ibinato sa atin. pero kung di natin gagawin yun, paano natin masasala ang mga nararapat mapasok sa unyon?
siempre, dugo ilong na naman kasi tagalog naman.
tama smile lang..kasi masaya, lalo na kung "astig" ka wahaha
defensive? kaya nga rant e. hehehe
ReplyDeleteat kapatid, sige, ipagkalulong mo ang sarili mo. nalilimutan mo atang hindi lang ikaw ang nagbabasa ng blog ko di ba... hahaha
martsy! ngayon lang ako nakapunta sa blog na itei. :D ayos ang tapang sa virtual world e (pati sa real life naman). mahaba-habang diskusyon pa ang kelangang gawin ng unyon ukol jan. sana matapos na ang mga activities bago ang induction para magkaron tayo ng pagkakataon magsoul searching.
ReplyDeletejam!!! you're alive!!! wala lang...
ReplyDeleterant...
talagang mabigat na paratang iyon. pero kung iisipin ko kung paano natin iaaccomodate ang ganoong usapan sa traditional induction na meron tayo, parang ang hirap kasi magkaiba talaga ang perception nila kung anong klaseng org ang sinasalihan nila at kung sino ba talaga ang org. feeling ko it all boils down to this.
isa pa, kung paguusapan natin sya ng maigi, handa ba ang mga mems sa mga points na lalabas sa usapan?
haay. graduate na lang kasi tayo e. para tapos na lahat... hehe escapist mode naman ngayon...
Thinking... thinking...
ReplyDeleteAng sigawan ay dumarating kapag ang aplikante ay hindi kabisado ang tinatawag na "intellectual part." Una, kapag hindi naiintindihan ang constitution ng organisasyon. Pangalawa, kung mismo ang advocacies ng organisasyon ay hindi alam at hindi kayang iexplain. Pangatlo, kung napagtanto ng members na hindi kayo nag-aral kahit 'yung mismong mga hilig ng mga kabatch ninyo (na nakasulat naman sa sigsheet).
Kahit na ngang sabihing hindi naman talaga namin gusto ang pagsigaw (sa mababaw na rason ay dahil nawawalan kami ng boses dito sa totoo lang, at alam naman nating hindi ito "healthy" emotionally [kaya naman kausapin din nang masinsinan ang mga aplikante]) pero nakikita ko ang punto na pinanggagalingan ng mga mem.
Alam ko namang tutol tayo sa pyudal na relasyon (ang master-slave, etc.), pero tulad nga ng sabi natin hindi naman ito ganoon na lang matatanggal nang buong-buo. Paunti-unti. Matagalang paghihintay bago ito tuluyang maiwaksi. Alam ko namang sinisimulan na ng UJaP na bakahin 'yung mga ganitong pagkakataon.
Pero, isipin din natin, mga kapatid, tao pa din naman tayo. May mga emosyon na dapat kilalalanin (sa parehas na bahagi [kaya nga iniiwasan na sobrang lakasan ang boses para hindi mademo ang mga aplikante, at sinisigurado na may aalalay sa inyo sa mga panahong ito. Isipin na lang natin na table battle and negotiation ito na may role playing na kaagapay]). At subukan kong i-objectify ang mga nangingibabaw na emosyon. Una, alam naman natin na mahalaga sa mga mem na alam ng mga aplikante ang mga pundasyon kung bakit nabuo ang unyon. Sana ay nag0aral at ginalang din natin ito. Mahirap kabisaduhin lahat, maaaring totoo pero sana isinapuso ang mga prinsipyo at konsepto ng organisasyon bago isabak. Hindi naman word for word ang hiling,eh. Pangalawa, nakikita ko din ang iniisip ng ibang mem na bilang napakahalaga sa ating propesyon ang research bago ka sumabak saan mang interview o field work kaya nadisappoint sila. Para kang sumugod sa giyera na hindi handa, hindi mo alam kung sino kalaban, kung saan sila nakapuwestio, etc. Hindi ba para kang nagpakamatay n'yan. We have to be equipped with the necessary info . Mga mahal, baka lamunin kayo nang buhay ng mga iinterviewhin. DOing research or studying about your topic before an interview is important.
Sa totoo lang, wala namang magaganap na ganito kung sinalubong ninyo 'yung layunin na inihanda ng mga mem sa paglulunsad ng batch interview. Don't think that because they know you, they would be easy on you. Hindi ito usapin nang closeness. Usapin ito ng pagkakaintindi kung ano ang pinapasukang org at ano ang mga prinsipyo nito. Kaya kung may expectation kayo sa org, magsalubungan kayo. Dapat imeet din ninyo ang expectations nila sa inyo.
Do I make sense?
Si Melai nga pala 'to.
ReplyDeletelanie!!!
ReplyDeletesyempre, nagrant na lang ako ng walang basihan.
malinaw na pinag-usapan sa mga GA na walang sigawang mangyayari kung wala namang dahilan.
kung babalikan natin ang mga nangyari, naging maluwag ang mga miyembro noong solo interview pero wala kaming nakuha masyadong sagot. umasa kaming mas magiging maayos ang batch interview.
wala akong masasabi kung pag-uusapan ang advocacies ng org, at masasabi kong dahil dalawa sa kanila ay galing na rin sa stand up.
pero hanggang advocacies lang. hindi ko naman sila nilalahat, pero kalahati sa kanila kulang-kulang ang sigsheet, hindi kabisado ang preamble at ni hindi nabasa ang constitution. naniniwala akong hindi nagkulang ang mga miyembro sa pagpapaalala ukol sa mga bagay na ito.
and you make sense, my friend :)
josko. usapang aktibista. bloodshed ito hndi nosebleed.
ReplyDelete