Friday, June 6, 2008

nanood ng Prince Caspian

"Buti na lang hot si Prince Caspian." Ilang ulit na sinabi ni Jam iyan noong nagpalipas kami ng gabi sa kanila.

Pero aaminin ko, buti na lang talaga cute si Prince Caspian (Ben Barnes). Kung hindi siya cute, baka nawalan na talaga ako ng ganang manood.

Paano ba naman kasi, hindi ko talaga nagustuhan yung unang movie ng Narnia, The Lion, The Witch, and The Wardrobe. Parang walang dating, walang magic, walang x-factor. O siguro dahil nabasa ko yung libro at napanood ko yung stage play ng Trumpets (Kamusta naman! Trumpets na yun! One of best stage performers kaya sila!) Isa siyang disappointment at hindi na-capture ang mga importanteng scenes ng pelikula.

Anyway, medyo nagdalawang isip ako kung papanoorin ko ba talaga itong Prince Caspian. Hindi ko rin masyado nagustuhan yung libro. Na-frustrate na lang ako na yun na ang last adventure nila Peter at Susan, gayong si Peter pa naman ang favorite character ko dun.

Siguro din, hindi ko talaga masyado naintindihan yung libro. Alam mo naman sa relihiyon namin. Dahil kilalang ka-relihiyon namin sina J.R.R. Tolkien (Lord of the Rings) at C.S. Lewis (Chronicles of Narnia), may mga hidden biblical messages ang mga kwento nito. Tulad na lamang ng The Lion, The Witch and The Wardrobe na tumutukoy sa salvation kung saan ipinapareho si Hesus kay Aslan na siyang namatay upang iligtas si Edmund.

Ang nakita ko lamang sa Prince Caspian nung binasa ko ang libro ang usapin ng spritual warfare. Ngayon ko naiisip, dahil ilang taon na rin ang nakakalipas nang basahin ko ang libro, maaari ngang bata pa ako para maintindihan ko ano ba talaga ang warfare na tinutukoy dito.

Ayun na nga. Kasama ko sina Ate Ems, Leeloo, Twinkle, JD at Kristia kahapon upang manood ng Prince Caspian at natuwa naman ako.

Naging loyal naman sa libro ang pelikula, although hindi ganon ka-perfect. Bagamat sa estasyon ng tren nagbukas ang pinto papunta ng Narnia, hindi ito tulad ng ipinakita sa pelikula. At walang naganap na romantic something kay Prince Caspian at Susan (Anna Popplewell). Marami ring mga eksena sa libro na tinanggal nila, tulad ng kung paano pinalaki si Caspian ng kanyang tiyo at tiya at ilang eksena kung saan parang nagpakita si Aslan sa mga magkakapatid ngunit hindi masyadong pinansin. Hindi rin talaga kasali si Susan sa digmaan tulad ng ipinakita sa pelikula.

Mas na-capture ng Prince Caspian ang mga eksena at mensahe ng kwento. Sa totoo lang, naging malinaw sa akin ang usapin ng spiritual warfare habang pinanonood ko ang pelikula. Mas naintindihan ko ang kahalagahan ng paninindigan sa buhay kahit na nagiisa ka lang sa pinaglalaban mo.

Nakita ko na rin ngayon ang mga pinagpareho ng Two Towers ni Tolkien at ng Prince Caspian ni Lewis, na may haring kinakailangan i-reclaim ang trono, nagiisang sundalo bihasa sa pana, isang napaka-importanteng espada, may aalis na kasama sa kalagitnaan ng digmaan at babalik ng may mga kasamang mga kakamping puno.

Bakit kelangan may reclaim something pa? Bakit kelangan almost failed yung digmaan bago darating ang mga bagong kakampi? Bakit laging may pana at lovable ang humahawak ng pana? At bakit kelangan laging puno ang tatapos ng digmaan?

"Masyado ka lang nag-ooveranalyze," madalas sabihin sa akin ni Weng. Siguro nga, masyado ko lang din binasa yung mga pelikula hindi ko na natutunan enjoyin.

Buti na lang cute si Prince Caspian. Lalo ko pang kinatuwa, cute din pala yung gumanap ni Peter (William Moseley). Buti na lang din talaga.

No comments:

Post a Comment