haay. andami nang nangyari. andaming realizations, kamalian at kung anu-ano pa mang ka-kyemehan. andrama nga talaga ng buhay ko.
una. andami kong reklamo sa buhay, mga nakikita kong mali sa ibang tao na hindi ko na napapansin kung ano bang problema ko. puro sa iba ko na lag sinisisi ang kalungkutang nararamdaman ko, matagal bago ko natantuhan na may responsibilidad din ako sa mga alanganing pakiramdam ko.
kung tutuusin, bakit nga ba ako nagpapaka-depress gayong masaya ang paligid ko? kung hindi pa mawawala ang recorder ko, hindi ko makikita ng malinaw na matagal na pala akong nagkikimkim ng galit sa kanila.
at sa kauna-unahang pagkakataon, napuno ko ng kasuklaman. sinubukan kong itago, maging kaswal na lang sa mga tao at patuloy na itanggi na masama na pala ang loob ko, pero lalo lang itong naghihintay ng pagkakataong sumabog.
kung iisipin, bakit nga ba ako magtatanim ng ganito katinding galit? sa totoo lang, napakaliit na bagay lang. nagsimula ito mula ng sabihan nila akong pyudal ang relasyon namin ng tatay ko. pakiramdam ko, bigla akong kinain ng sarili kong mga ideyolohiya. nakakasakal ang mga batayan. higit sa lahat, naramdaman kong ginamit lang ako.
kahit ano pa man ang ginawa nila sa akin, may mali pa rin ako. maling ipikikita kong ayos lang ako ngunit hindi pala. wala na rin akong pinagkaiba sa isang plastik. maling ipinilit ko sa sarili kong napakalinis kong tao pero ni hindi ko masabing nagagalit na ako. higit sa lahat, maling ibinuhos ko sa iba ang galit ko. kahit marami na rin siyang kasalanan sa akin, hindi pa rin siya ang puno't dulo ng galit ko kaya hindi patas para sa kanya ang mga nangyayari.
dalawang buwan. dalawang buwan para magising ako sa katotohanan.
hindi ko pa rin nasasabi sa taong dahilan ng galit na ito kung ano ang tunay kong nararamdaman. hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin sa taong binuhusan ko ng galit. alam ko kailangan kong gawin iyon pero ito na ba ang tamang oras para muli kong guluhin ang mga buhay nila?
hindi ko rin alam. pero sa akin ngayon, mula ng tanggapin ko sa sarili kong galit ako, unti-unti ko na ring nabibitiwan ang pakiramdam na ito.
you can kill me for this, but...
ReplyDelete"ang galit, nakakapangit"
cheer up :D