Naglalakad ako sa may Lagoon pabalik ng CMC upang makipagkita sa isang kaibigan. May isang bata, mukhang nasa 12 hanggang 14 na taong gulang, na lumapit sa akin upang bentahan ako ng mga panali sa buhok.
"Ate, bili na po kayo."
"Hindi na. May ginagamit pa ako." Patuloy pa rin ako sa paglakad at nanatiling diretso ang aking paningin.
"Ate, pano po ba nabubuntis ang isang babae?"
"Hindi ka ba pumapasok sa school?"
"Pumapasok po."
"Sa paaralan mo na lang itanong iyan."
"Assignment po kasi namin siya."
"Hindi kasi ako science major e. Hindi ko maipapaliwanag ng maigi."
"Bakit ate, hindi mo ba alam?"
"Hindi ako science major. Sa iba ka na lang magtanong." At saka tumawid ng kalye.
Waw. Ako pa ang tinanong. Ano 'to? Bagong style ng pangbibigla para pabilihin ka? Ayokong mang-discriminate sa totoo lang. Naniniwala ako sa mga karapatan ng mga bata pero talagang hindi ko gets.
No comments:
Post a Comment